Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko ang calendar kong may mga reminders at notes. Feeling ko artista akong parang eroplanong laging fully-booked. Ang sarap isiping magiging productive ka sa mga susunod na araw. Tumataas ang Happiness bar ko, pero hindi ko napapansin na meron din pala akong energy bar.

Parang Pet Society lang 'yan. Energy, Happiness, at Hygiene. Ako 'yung pet na laging nakikipaglaro, pero hindi pinapakain. Masaya ka nga, pagod ka naman. Masaya ba maging pagod? Eh bat sabi ni Tado mas mabuti nang tamad, hindi naman pagod? Pwede bang maging tamad at pagod at the same time? Feeling ko ganun ako ngayon eh! HAHAHA!
Ay wait lang commercial: Napapansin niyo ba? Ang dami ko laging tanong!
Anyway, ngayong buwan ng Setyembre, masasabi ko sigurong magiging super busy ako. Harvest season na kasi ng mga projects, research at case studies. Oras na para i-Buddy Poke ang mga tutulog tulog! Bilhin mo na sila kung kinakailangan, kahit mataas ang value! Typing Maniac na naman ang mga nagccramming para makaabot sa deadline niyan. Hehehe. Makikipag-Mafia Wars na naman ako sa mga darating na defense. Enemy of the Day ko na naman ang mga professor kong hindi ko alam kung ano ang nasa utak at ang dami na naman naming quizzes.
Bukod doon, malapit na din ang organization week namin. 3 days lang 'yon, pero week ang tawag. Isang buwang pagpplano, isang linggong preparasyon. Maraming duties, pero kakayanin dapat.
Parang Pet Society lang 'yan. Kahit kakapiranggot na lang ang laman ng energy bar mo, hindi ka parin susuko, hindi mamamatay o maglalayas. Kapag marami ka nang coins, magagawa mo din ang gusto mo, minsan nga higit pa. Luxury!!!